Pagmasdan ang guhit sa palad
Kay raming landas sa 'yo'y inaalay
Bawat isa ay mayroon patutunguhan
Batid mo ba kung saan ka pupunta

Tuklasin ang nais mong marating
isipin kung paano ito makakamit
Piliin ang landas patungo sa inaasam
Gamitin mong gabay sa iyong paglalakbay

Kung saan patungo ang landas
Sundan mo hanggang katapusan
Ano mang balakid ang sa 'yo ay hahadlang
Isipin mong ito'y isang pagsubok lang

Subukan mong unti-unting tahakin ang iyong landas
Sikapin mong marating ang mga pangarap
Ano mang kasawian ang iyong maranasan
Ipagpatuloy lang iyong paglalakbay
(repeat except last line)
Sundan ang iyong pangarap


©
UPLB MASS