Ketaro
Posted on Feb 8, 2008 by Admin | No CommentsKETARO
(ketsuzen tatsu roku)
Lubos kong ipakikilala,
Ang batch na ubod ng saya,
Pupukaw sa inyong mga alaala,
At makakatawag pansin sa MASSa.
Akin nang sisimulan,
Sa pinagmulan ng kanilang ngalan,
Sa salitang hapon ito nanggaling,
Na ang ibig sabihin ay “determinadong anim”
Heto na ang kolokoy na si Leo,
Na pinaka kupal sa mga gwapo,
Madaldal din ang izang to,
Pero sa iyakan ay numero uno.
Otso otso! Hirit naman ni Audrey,
Gamit ang daliri kala mo nagpre-pray,
Kamukha ni juday wika ng ilan,
At sisigaw ng Jajaja-jamby ‘pag napagtripan.
“Hayyyya!” sigaw naman ni aisa,
Na tanging karatista sa mga bida,
Kung ako sa iyo’y tumabi ka na,
Baka mapagkamalan nyang COSS ka.
“Tabi kayo, dadaan ang sexy”, wika naman ni Jaimee,
Pagdating sa rampahan siya’y matindi,
Panliligaw sa kanya’y wag mo nang iintindi,
Baka ka magulpi ng boyfriend nyang military.
Shut up! Just shut up! Shut up! Daing ni Paul,
Sa mata ni Vita siya ang apple,
Pagdating sa parusa siya ay sapul,
Negative push-up kanyang ipinukol.
Sino ba naman ang mag-aakala,
Na ang tulang ito’y ang batch leader nilang si Mark ang may gawa,
Tawagin man nila itong bulok at masagwa,
Ginawa ko naman ito isang oras bago ko ipasa.
“Hubaders at iyakers” man kung minsan kami ay tawagin,
Kami naman ay lubos na maabilidad at magagaling,
Basta please lang wag niyo nang kontrahin ang pahayag kong ito,
Na magaganda at gwapo ang batch KETARO.