SUI GENERIS BATCH PROFILE

Sui Generis: meaning "unique", kakaiba, bukod-tangi. Pumasok sila noong July 21, 2002 (1st sem 2002-2003). Limang BSMath na blocmates, isang BSCS. Maganda ang naging pundasyon ng kanilang samahan noong pumapasok pa lamang sila sa UPLB MASS, sapagkat 5 ang blocmates sa kanila (actually anim***), at ung isa ay housemate at highschool classmate pa nung isa. At lalo pa itong pinagtibay ng kanilang mga karanasan noong pumapasok pa lamang sila sa org; mula sa unang pagkikita ng lahat sa gabi ng presentation, sa pagrereport sa mga kupal na miyembro, sa mga batch dinners, sa sama-samang pagkikipagsapalaran sa bagyo upang maghanap ng palaka para sa finals kinabukasan, sa pagpa-practice ng batch song at batch dance, sa sama-samang paghahanap ng batchname sa dictionary, sa pamamalengke ng mga gulay para sa MASS food, sa pagbababad ng ampalaya sa tubig at asin upang mawala ang pait nito sa finals kinabukasan, sa kamustahan sa finals, sa pagtatago ng pagkain sa bulsa noong finals dahil sa hindi na maubos ang ibinigay na pagkain, sa pagchi-chill ni jelai, sa kaubos-ubos ng lakas na free-for-all, hanggang sa acceptance/rejection “kuno” na napaka-drama. At dahil sa lahat ng pinagdaanan nila, nagging maganda at masaya ang pagpasok nila noong kahit may ilan na tila nawawalan na ng pag-asa.

Si Rafaela Maderazo, kilala bilang Madz o Ela, ang kanilang batch leader. Mukhang mataray, mukhang masungit. Mukha lang, pero hmm.. minsan ganun talaga sya. hehe. She’s a woman of principles. May paninidigan sa lahat ng sinasabi. Kahit binagyo ang kanyang acads noon, at nagbalak na umalis sa UPLB, hindi pa rin ito naging hadlang upang isuko nya ang org, pati ang kanyang batchmates. Siya ang pinaka-talented sa batch. Magaling rumampa, magsayaw, magpaint, at higit sa lahat, umarte (nagtteatro daw nung hs). Ang bilis tumakbo, grabe. varsity kasi ng track and field. Kaso, napaka-antukin nya sa klase. Isa pa, napaka-hilig sa pink! Siya ang nag-ugnay kay Van sa blocmates nya, sapagkat sila ay housemates at highschool classmates/friends.

Si Angela May Nuñez, kilala bilang Jelai, ang pinaka-malikot sa batch. Ang naging tulay upang magkaroon sila ng tips sa finals nila nung pumapasok pa lang sila sa org, sapagkat may nabighaning brod sa kanyang kagandahan noong orientation pa lang nila. hehe. Siya ay inihahalintulad sa isang bulate, dahil sa magaslaw nyang pagkilos. Sa Sui, siya ang may pinaka-maraming naging ka-close sa org. Nakasama pa sa salasalabit na isang “pamilya”. Pa-girl minsan pero madalas nananantsing ng babae (mapa-kalaban sa basketball o kaya'y sa ibang sisses). hehe. Pero wag ka, kahit ganyan yan, daming nagkaka-gusto sa kanya, mapa-brod man o hindi. Kaya naman kay dami nang na-iugnay at na-iuugnay pa na brods sa kanya. Siya ang pinaka-sporty sa batch. Siya ang unang nagkapusisyon sa kanila sa exec. Muntik na siyang mapahiwalay sa batch dahil nagbalak na mangibang-bansa noon at doon na mag-aral. Kahit naging magulo ang kanyang acads ay patuloy pa rin sya sa pagiging aktibo sa MASS. Ganyan nya kamahal ang MASS at ang batchmates nya.

Si Maureen Cardano, kilala ring Mau o Au, ang pinaka-tahimik sa batch. Pero wag ka! Rocker to! Mahilig sa music, at magaling kumanta. Astig. Mala Avril Lavigne, pero may pagkamahiyain. Minsan syang nawalay ng isang sem sa batch, kaya naman nangulila ang kanyang batchmates ng mga panahong iyon. Itong si Au, kapag kasama ang batchmates nya, madaming kalukahan sa buhay pero kapag iba naman ang kasama, napaka-tahimik. Ngayon na lang sya umiingay. hehe. Malalim din mag-isip. Matagal nang may crush na coss na hunchback at napaka-yabang. Buti na lang at na-turn-off sya nung cheering dahil mukhang bading ito. Rock on!

Si Mary Jean Regalado, kilala ring Ji-an, ang pinaka-masipag mag-aral sa batch. Kilala siya bilang "babaeng matigas ang dila". hehe. Taga-Bicol kasi. May pagka-clumsy sya, mabigat kasi ang kamay. Payat (sexy) na mabigat ang pangangatawan. Pero wag ka! Ang galing magsayaw nito katulad ng kanyang idol na si Britney Spears (eeww!). Madalas mapagkamalan na kambal sila ni Madz. Kikay sya.

Si Bryan Jason Alojado, kilala bilang Bryan, ang nag-iisang lalaki sa batch. At hindi iyon naging hadlang upang maging malapit sya sa kaniyang batchmates. Matalinong bata, medyo tamad lang nga ng konti. Mahilig sumali sa mga quiz contests. Hobby nya ang kamutin ang kanyang ilong. Mukha tuloy nagngungulangot. Laging may hawak na towel, parang si Ate Vi. Marami ding nagsabi na kamukha nya ni "Brandon" (pero mas cute naman si Bryan hehe). Kenkoy sya.

Si Vanessa Paglicauan, kilala bilang Van, ang nag-iisang comsci sa batch. Nauna syang nagpa-screen sa kanyang mga batchmates, sapagkat nagbalak na syang pumasok sa MASS noong summer bago ung sem na nakapasok sila. Desidido noon kahit mag-isa, ngunit natakot sa mukhang mataray na miyembro ng MASS. At dahil sa housemate nya si Madz, at na-corner sya ni Kreis at Myra noon, hindi nagtagal ay humabol sya sa presentation noon. Ayon sa ibang miyembro, mukha daw kupal, kaya naman nakupal din ng husto. Hindi nila alam, ay sadya lamang ganong ang expression ng kanyang mukha. Siya ang pinaka-malusog sa mga babaeng Sui, pinaka-sexy sana kung payat lamang. hehe. Ayon sa batchmates nya, napaka-hilig daw magbuhat ng sariling bangkô (upuan). hehe. Binansagan siyang “parang lasheng kapag nagsasalita”. Maarte kasi magsalita, pero sa totoo hindi naman.

Pangalawang taon na rin nila sa UPLB MASS. Marami nang nasaksihan sa mga nangyayari sa org, marami nang naranasan sa org, at sila'y nananatiling pinaka-united na batch sa UPLB MASS sa ngayon. (May aangal ba, brods at sisses? Wala di ba?) hehe. Madaming pinagdaanan, minsan nang binagyo ang pagsasamahan, ilang beses na ring muntik nang magkahiwahiwalay, at minsan nang hindi nagkakasundo sa mga bagay-bagay. Ngunit sila'y nananatiling isa, at magkakasama. Yan ang Sui Generis. Bukod-tangi sa lahat. Astig.


*** Anim, kasi may isa pa dapat silang batchmate, si Louie. Blocmate din nina Madz. Sa hindi makumpirmang malalim na kadahilanan ay nag-defer sya ilang araw na lang bago mag-finals.

BACK TO ARTICLES