COFFEE by joe

February 14, 2002: Valentines Day… Birthday ni Arlene… Panahon ng Feb Fair… May mga lovebirds na naglipana pero marami rin namang mga loveless kasama ang mga kapwa nila loveless + ibang barkada. Full gimik mode ang mga tao… Syempre pag sinabing gimik, papahuli ba naman ang mga MASS? May mga taong mas gusto na lang sa booth at magpakalunod sa alcohol, pulutan, at kantahan; ang iba naman lumuwas pa ng Maynila. Libis II daw. Si Juby nagplano at nagyaya. Maraming sumama. Di ko maalala lahat ng sumama. Baka may magalit pa pag nilista ko tapos may kulang. Basta marami. Yung iba sa Libis na dederetso. Nag-rent ng van plus kay f * * er (rav 4 ni gino). Mga loveless lang daw ang pwedeng sumama (pero mukhang hindi rin…). Usapan alas-otso ng gabi magkikita sa booth.

8:00 pm Nasa booth na kami pero wala pang ibang tao so, nagkanya-kanya muna – may kumain, sumakay ng tsubibo (periswil), at naglaro dun sa piso-piso (ano tawag dun? Nanalo pa si jonee ng baso para sa mga mag-iinom sa booth…)

 9:00 pm Pagbalik namin, marami nang tao sa booth, pero karamihan e di naman sasama samin sa Libis. Medyo nagiging diskumpiyado na kong sumama, masaya na sa booth. Nagyayaya na mag-inom. Humingi na ng patak. Nagdadalawang isip na ko sumama, pero nakakahiya kay Juby. Nagsabi na ko sumama. Tutal, wala pa naman yung van, bumili muna kami nina Rhod, Bullet, at Brandon ng maiinom. E, habang bumibili pala kami, dumating na sina Jubay pati ang ibang mga sasama. Tumawag na si Gino, alis na daw kami.

 9:45 pm Sinundo na namin si Joan sa apt nila at umalis na kami. Anim kaming nakasakay kay f**ker (Gino, Goldine, Joan, Gingy, Kate, at ako) Di na traffic ng pag-alis namin so mabilis kaming nakarating sa Libis.

 11:00 pm Ang daming tao!! Puno halos ang mga bar! Sa Padi’s kami pumunta kasi andun na yung iba. E hindi rin kami ma-accommodate lahat sa Padi’s kaya may mga pumunta sa mga katabing bar. Kami nina Gino, Jonee, Sam, Moe, Kate, Joan, Gem, Tinay, Goldine, Gingy, at Sarah yung mga mainstay sa Padi’s. Once in a while andun sina Juby at Myra pag tinatakasan nila mga kasayaw sa kabila. Lumabas muna sina Teteth para kumain. Kalat ang table namin, so nagsama kaming apat na brods sa isang table at nag-order ng barrel habang pinagtatawanan yung mga nakasulat sa menu nila. Dinaya nga kami dun sa inorder naming “platter feast” na ang laman e ilang mga cheesesticks at kropek na iba’t-ibang kulay na kinalat lang sa isang malaking plato. E, ang mahal naman! Nag-iinom muna kami dun habang todo bigay sa pagsayaw ang mga sisses sa entablado kasabay sa pagtugtog ng banda. Eventually, nakisawsaw na rin kami sa sayawan.

February 15, 2002
2:00 am Halos 3 oras na kaming nagsasayawan sa Padi’s maliban lang sa umupo kami kasi bigla ba naman nasira yung dance mood namin nang magpatugtog sila ng mga senti. Medyo nakakabato na dun so naisipan naming mag-iba ng venue. Yung iba gusto sa Timog, yung iba sa Antipolo. Pumunta kaming lahat sa Pier 1. First time naming makumpleto lahat. Mga 20+ ata kami dun. Halatang may mga pagod na kasi di na kumikibo. Nakatanga lang kami muna dun. Nagpapahinga. Nagpapahangin. Ginawang tambayan. Maaga pa pero medyo inaantok na ko. Nagyaya ako mag-starbucks. Dun nabuo ang grupong naming walo (Joan-Gem-Gingy-Kate-Moe-Goldine-Gino-Joe).

2:30 am Di na namin dinala si f**ker. Naglakad na lang kami. Dito na pala magsisimula ang spur-of-the-moment gimik namin – dahil lang sa gustong mag-starbucks. Dinaanan namin ang San Francisco Coffeehouse pero in-isnub lang namin. Gusto namin Starbucks e… Tumawid kami papuntang Eastwood City. May Seattle’s Best Coffee… pero starbucks pa rin e. Pumunta lang kami dun para pag-usapan yung mga nag-po-prom at para umihi. Gusto na talaga naming mag-kape. Nagsara na yung Seattle’s Best so naglakad ulit kami palabas ng Eastwood. Nadaanan namin yung Waffle Country pero pang-restaurant daw sabi ni Gingy. Lumabas na kami ng Eastwood at naglakad pa ulit papuntang Starbucks. Walangya malayu-layo pa pala tapos pagdating namin sarado na. Gusto naming sunugin! Bad trip. Pagod na kami. Ayaw na naming maglakad pabalik sa sasakyan. Naghintay kami ng jeep pero wala na. Nag-trip na kami habang naglakad pabalik. Binubugaw namin yung mga sisses habang sumisigaw ng “Boss, chick?!” Nabuhayan na naman kami kahit papano.

3:30 am Isang oras na pala kaming naglalakad. Nakabalik na kami kay f**ker. Kulang na lang e yakapin namin siya sa pagod. Isipin niyo nagkasya kaming 8 sa Rav 4. Starbucks pa rin ang nasa isip namin so naisip naming sumaglit sa Katips baka bukas pa dun. Pero minalas kami e. Dun Nauso ang mga katagang PRO U-TURN at YES TO U-TURN kasi wala kaming ibang ginawa kundi mag-u-turn kahit sa mga NO U-TURN. Napag-isahan namin na deretso na kaming Antipolo. Tinext naming yung mga naiwan sa Libis at sinabi na pupunta kaming Antipolo. Medyo nakakaramdam na rin kami ng gutom at uhaw dahil sa kakalakad so naisipan naming bumili sa madadaanan naming 24-hour convenience store. Masaya kaming nagkukuwentuhan nang biglang humirit si Goldine ng “Uy, Tindahang Magdamag!” Kala namin nagloloko si Goldine, aba Tindahang Magdamag nga – yung pangalan tindahan pero nilagpasan namin. Tawa kami nang tawa sa pangalan. Huminto kami sa Treats para bumili ng tubig pero nakita namin yung During’s BBQ Restaurant sa kabilang kalye, sumugod kami sa ulan. Naligtas din kami sa wakas. Narevive ang energy namin sa barsilog at tapsilog. Solo namin yung lugar. May videoke pa. Halos mag-duet pa nga si Gingy at yung bantay ng videoke dun. Dumaan na yung van. Nauna na sila. Pagkakain e tumuloy na kami. Kala namin dahil nakakain na kami e nareplenish na yung energy pati pag-iisip namin. Malapit na kami sa overlooking point ng biglang si Joan naman ang humirit, “Kala ko bundok to, e bakit pababa?” Napaisip kami sandali sabay tawa. Muntik na nga kaming lumagpas kasi naaliw kami dun sa truck na may nakasulat na “Ano nga ba ang kulay ng pag-ibig?”

4:45 am Nasa overlooking point na kami, karamihan sa van e tulog na. Sina Sam, Tinay, Jonee, Pau, at Ida na lang yung bumaba. Yung iba sa rav 4, natutulog na rin. Pinagmamasdan lang naming yung scenery, nag-I-identify kung saan-saan ang mga lugar habang kinukwento ni Tinay yung “urban legend” ng batang tinulak dun sa bangin na kinatatayuan namin.

5:00 am Nauna ng umalis yung mga taga-van kasi ang kontrata e hanggang 7 am lang ata. Kami na lang nina Gino at Joan ang naiwan sa labas habang himbing na natutulog yung iba. Medyo umaambon pero ok lang. Naging seryoso kami. Usapang MASS. Future ng MASS.

5:30 am Umalis na kami. Pauwi na. Inabutan na kami ng early morning traffic. Inaantok na ko pero di ko pwede tulugan si Gino, ihahatid namin si Joan sa sakayan pauwi sa kanila. Tulog pa rin yung iba. Pagkahatid kay Joan sa may Aurora Blvd., liko na kaming C-5 pauwi. Nabuhay na yung mga kasama namin. Maliwanag na sa labas e. Balik starbucks na naman ang usapan. Eto siguradong bukas na yung sa Petron.

7:30 am Sa wakas natupad na rin ang hiling naming. Nakapag-starbucks rin kami. Food trip na naman. Kakakain lang namin sa During’s e kain na naman kami. Maluho… Buhay na buhay na kami talaga. Ang ingay namin. Tawa kami ng tawa. Mali-mali kasi yung mga pangalan sa baso namin. Niloloko pa namin si Gingy kasi parang model siya na papunta sa CR.

8:15 am Kumpletong-kumpleto na araw namin kasi nakapag-Starbucks din kami pagkatapos maabutang sarado ang 2 branch nila. Kantahan to the max, kwentuhan ng kung anu-ano. Si Gingy kasi mahilig sa kakaibang kwento e. Dahil sa mga kwento niya iba yung nagiging interpretation namin. Nung gabi pa lang nabanggit niya yung tungkol sa inakalang white lady na binato ng buko. Tao pala. Tinamaan e. Kung ikaw ba yun, babatuhin mo ang akala mong multo? o tatakbo ka na lang? Sisiguraduhin mo muna na lulusot yung buko kung multo nga o hayaan mo na lang? Pauwi na kami may panibagong kwento na naman si Gingy tungkol sa kakilala niya na nahulog sa bangin ang kotse na nakuhaan pa ng picture. Ang pagkaintindi namin, habang nahuhulog sa bangin e may panahon pa siyang kuhaan ang sarili niya... with matching actions pa.

9:00 am Nasa LB na kami pero parang bitin pa rin. So may pahabol pa kaming gimik, pinuntahan namin yung St. Marc Shrine – yung lugar na pinag-shootingan ni Regine sa “Pangako...”. Umakyat kami ng NAC at medyo malayu-layo rin. Matarik. Mahirap puntahan pag maglakad pero ang ganda. nakakarelax. Sabi nga ni Gingy pag ikakasal daw siya gusto niya dun. Gusto na nga rin niya magpaiwan e. Mamumundok na lang daw siya. Sa bagay mabubuhay naman siya dun. Maraming puno – saging, mangga, kaimito, buko (pambato ng white lady), mga asong gala, etc. Bago kami umalis at tuluyan ng tapusin ang super trip na ito e nagdasal (naks!) muna kami bago bumaba.

It was almost 10 am when we went back to the real world. Tapos na ang saya – sulit na saya. Aasikasuhin pa daw ni Gem yung grades. Natatawa pa rin ako pag naalala yung mga high points (accdg. To Gino) nung gimik na yun – Tindahang Magdamag, Buko Incident, etc., etc.. It was fun and memorable. Best gimik daw ni Goldine, so far. It shows that you can have fun on Valentines Day even when you are loveless. You can make it more enjoyable. Gimiks are always the best – UPLB MASS Style.

BACK TO ARTICLES