X-MASS by big bad gino

Pasko na naman. Kagaya ng mga taon na dumaan na, ang pasko ko ay may lamig na hindi lang dala ng hangin ng Disyembre, kundi ng kakulangan sa mga taong nagbibigay ng buhay at diwa sa panahong ito. Taun-taon, ang pamilya ko lang, kasama ng ilan pang mga importanteng tao sa buhay ko(karamihan ay babae), ang nagpapakulay ng aking pasko. At taun-taon din, nababawasan na ang init na nararamdaman ko.

Pero ang taong ito ay kakaiba. Naging maganda ang umpisa ng panahon ng pasko para sa 'kin dahil sa isang grupo ng mga nilalang. Sila ang mga brods at sisses ko sa UPLB MASS(palakpakan)! Hindi ako dumalo sa dalawang nakaraang x-mas party ng MASS pati sa dalawang nakaraang out-reach activities. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para dumalo sa pagtitipon ngayong taon na ito, subalit dapatwat ngunit pero ako ay dumating, tumingin, at sumakop!

Isa sa mga pinaka-ayaw ko na tradisyon ng MASS ay ang MASS GAY kung saan ang mga brods ay nagdadamit pang babae at rumarampa sa harap ng mga sisses. Para sa gabing iyon, gumamit kami ng tatlong Emperador at apat na 1.5 na Coke upang mapaandar ang aming mga paa patungo sa tabi ng swimming pool kung saan sabik na naghihintay ang mga sisses, ang mga brods na tapos na sa MASS gay, at si non-resident member(ito ang palusot nya para 'di sya mag MASS gay) Euan.

Ang nagwagi sa timpalak na iyon ay walang iba kung 'di si Minerva (MJ sa araw). Umaga na ng natapos ang pagtitipon ngunit marami pa ring gising na gising. Ang pinaka-nagising nung bandang alas singko na ng umaga ay si Eric dahil nakita na nya ang nawawala nyang susi ng bahay at ng pick-up! Di umano'y natagpuan ang mga susi sa kabila ng kalsada mula sa resort. Weird.

Hindi dun nagtapos ang kwento. Pagbalik namin sa campus, naghatid kami ng mga miyembro na low batt na, at si Marge na... a e... siyang umubos ng Emperador. Hinintay namin magbukas ang McDo para dun kumain. Iniwan namin si Jeno(na ang sanay lang inumin ay Sustagen) sa likod ng pick-up ni Eric dahil 'di na sya makatayo.

         Matapos mahulasan ang lahat, nagpunta na kami sa Putho kung saan dalawa pang grupo ng mga iskolar ng bayan ang mag-a-outreach. Napaka-swerte ng mga bata dahil nalunod sila sa pagkain at mga games. Nawala ang katotohanan na wala pa kaming tulog at tanghalian na dahil sa nakita namin kung gaano kasaya ang mga bata. Isang napaka-saya, nakakalasing, at nakakapagod na x-mas activity and nagpatunay na kahit ano pang sabihin ng ibang mga tao tungkol sa MASS, at kahit maraming mga tampuhan at sakitan ng loob sa org na ito, mahal ko na ang MASS.

Lampas pa sa isang araw na mulat ang mata ko. Naglakad ako sa harap ng mga brods at sisses na walang suot kundi isang basang basang towel. Kalahati ng tiyan ko ay babad sa alak. Mukang tae ang auto ko. Iba ang tingin sa amin ng mga bata at kanilang mga guro at mga magulang dahil mukha kaming mga lasing at puyat na umeskapo mula sa mental hospital habang nagpapalaro kami. Kasama ko ang mga brods at sisses ko sa lahat ng ito. Pagod kami pero masaya. At 'pag dumating ka na sa puntong ganito, alam mong mahal mo na ang MASS. 'Pag nakangiti ka pa matapos ang lahat ng ito, kagaya ko, masasabi mong masarap maging MASS.

BACK TO ARTICLES