Uno
Posted on Feb 8, 2008 by AdminMasayahing bata, mahilig kumain, isnabera kung minsan, singer, dancer, maganda (?), motto sa buhay: aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?, at higit sa lahat, nagkukunwaring isa kahit sa totoong buhay ay dalawa talaga siya — yan si Vita.
Hindi alintana ang mga maaaring mangyari, tanging baon ay lakas ng loob, pinili niyang tahakin ang magulong mundo ng MASS (hehehe). Tinamad yatang maghanap ng batchmates kaya mas piniling mag-isa na lang siyang pumunta sa Isla ng MASS.