PayDay loans car insurance

Trident

Posted on Feb 8, 2008 by Admin

“Three individuals towards a single goal!” Yan ang essence ng batchname ng Trident, ang sumunod na summer batch after ng Twice. Actually naunang naisip ung name bago nilagyan na lamang ng meaning. Ang batchname ay nabuo habang nakahiga at nagmumuni-muni sa isang bangko sa hallway ng Whitehouse apartments ilang oras bago magfinals.

Astig ang mga miyembro ng batch na ‘to, bakit? Eto basahin mo:

Marcelino Rafol - Wag kayong paloloko sa kakaibang-diction, remember “bula(bola)”? dahil isa siya sa mga astig na brods. Isa sa mga certified rocker ng MASS at isa din sa mga “basketballer“ na tinitilian kahit ng kalabang orgs. ”The Future” ang bansag sa kanya dahil na-link siya sa isang sis.

Alissa Carpio - “Sto. Niño” ang naging bansag sa kanya sa mga biruan dahil sa kanyang buhok. Killer eyes naman ang asset ng Trident na ‘to dahil sa masama siyang tumitig, ngunit dahil sa napakaganda ng mga mata niya. Isa pa sa mga ka-astigan nitong si Ali ay kakaiba kung malasing daig pa ang ilang mga tomador
ng MASS.

Oliver Gumboc - Ang batch leader ng Trident, “maliit na Bullet”, ”Ultraman”, “George na may goatee”, ang ilan sa mga nicknames nitong Trident na ‘to. Siya ay sobrang mahilig sa pagdrodrowing, testigo dito ang mga handouts, notebooks at chairs niya na punong puno ng drawing na madalas ay mukha niya.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.