Sciete Onse
Posted on Feb 8, 2008 by Baddie | No CommentsAko si manong Large. Isa akong medium. So you can call me medium Large. Pero small time lang ako. So that makes me small medium Large. I can tell you who or what you were in your past life. Gusto nyo malaman kung paano? Sikretong malupet walang clue mahirap hulaan! O sya game na. My clients for this session is UPLB MASS batch Sciete Onse.
IRISH - Isa ka dating taga Ireland.
GINGY - Isa ka dating bodyguard ni Cleopatra. Ikaw ang nagdadala ng mga kalalakihan kay “previous Geybs”. Ikaw ang laging nagwawagi sa mga unang Olympics sa mga takbuhan.
KREIS - Isa ka dating bulaklak. Kalachuchi yata. Anyway, bulaklak ka dati kaya lapitin ka ng mga babae ngayon at lagi kang mabango. At na-carry-over mo din yung pagiging immobile, pero paminsan-minsan lang naman. Madalas ka dating nakasabit o naka-”hang”.
GEYBS - Isa ka dating handmaiden ni Cleopatra. Pinalabas lang ng mga historians na si Cleopatra ang “nag-coconsume” ng halos 11 na kalalakihan bawat araw, pero sa totoo lang, sa iyo lahat sila napunta. Lumalabas pa rin ngayon ang iyong magandang boses at femininity.
SARAH - Isa ka dating anak ng sultan sa India. Matinis ang boses mo parang yung sa mga Indian movies. Mahilig kang magluto kahit marami kang mga alila. Mahilig ka din sa mga bulaklak, specifically, yung kalachuchi.
MYRA - Isa ka dating anak ng isang master of Kung Fu. Ipinanganak ka sa bulubundukin ng China. Napakalapit nun sa araw kayo medyo na-”overcook” ka. Ikaw ang nagmana ng title ng tatay mong Master of Kung Fu. Maaga ka nga lang nag-retire dahil kinain ng mga pusang gala ang mga daliri mo habang natutulog ka. Ironically, pinangalanan ka ng mga bago mong magulang na “KATrina”.
MIGS - Isa ka dating disipolo ni Jesus. Either si Peter o si Judas. ‘Di malinaw eh. Nung kasalan sa Canaa, matapos gawing alak ang tubig ni Jesus, sa sobrang kalasingan na din nya, iniba nya ang kulay ng mga mata mo. “Just for fun” kung baga.
RHOD - Isa ka dating masipag, malakas, paborito ng lahat, makisig, at maputik na kalabaw. Pero kakaiba ang panganganak ng nanay mong kalabaw. Imbis na sa usual na labasan ng mga newborn baby carabaos, sa pwet ka lumabas.
MIRA - Wala kang past life. Sorry.
CIP - Isa ka dating payaso ni King Arthur. Nahumaling sa iyo ang lahat ng mga kababaihan ng Camelot, kasama na dito si Guinevere, ang asawa ni Arthur na katropa ni kumpareng Merlin. Pinapatay ka ni Arthur. Tinusok ka nya ng espada nyang Excalibur sa may taas ng labi mo kung saan meron ka ngayong nunal. Tapos Pinakuha ka na ni lord sa kanyang Angela. I mean angel.
TUESDAY - Isa ka dating halaman. “Makahiya” to be exact. Paborito kang apak-apakan ng mga bata. Hanggang ngayon.